Pages

Saturday, May 14, 2011

Glimpse: The Story Behind .....


► So here it is, let’s start this blog.
.

So for what ba tong blog na to?! Exposure ng pictures?! Makapagdaldal lang sa online world?! No!! no! no!! (slight lang) well since ang hirap ipunin ng Glimpse every moment na magkakasama parang isang mahalagang yugto talaga (shocks!!) but that’s true diba?! Kasi once na magkasama-sama ulit ang Glimpse may mga unforgettable moments talaga..so why not i-document diba?!! 

Glimpse?! Mareng Merriam defined it as “to look briefly” in tagalog “simpleng sulyap” (now you know!! Ok lang yan nung highschool ko lang din naman nalaman ang meaning nyan eh) So bakit GLIMPSE? Saan nag-umpisa ang lahat?! May history din ang Glimpse of course! Di naman kami yung nagkatabi-tabi lang sa upuan tapos nagkayayaan magdrawing ng Butterfly (isa pa yan bakit butterfly ang logo?!)  and taaaaadaaaaan!! Welcome to the Club ka na.. May mga kaechosan din kami..and to warned you madami kami nyan.. hehe


Umpisahan ang Kwento:

♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫

Nagsimula ang lahat sa eskwela..
Nagsama-samang 
labing-dal’wa..  labing-anim…

♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫


Mismo!  June 2000 (memory gap ako kaya di ko tanda ang exact date ng 1st day of class ☺ ) ayan nagkalat na ang mga students sa University of Perpetual Help System-Laguna ang haba Perpz na lang ha 

di pa namin alam nun na doon na pala namin makikilala ang isa’t isa.. that time meron kabadopatingin tingin lang sa paligid nakikiramdam, merong excited, merong maligalig na talaga lalo na yung doon na din kasi sa Perpz nag elementary samantalang yung iba tahimik, lungkot lungkutan pa kasi di pa makamove-on sa mga friends sa elementary na di na nila madalas makakasama..pero that time sa ayaw o gusto man namin we need to move on at mag-adjust dahil...

♫♪♫ High school life, oh my high school life ev’ry memory kay ganda ♫♪♫

..yan ang naghihintay samin,.,(di nga lang every..kasi sabi ko nga madami kaming kaechosan later na natin pagusapan yun hehe..) 1st year Business Highschool divided into 4 sections -- Love, Hope, Faith & Peace. 3 out of 4 sections andyan kami hiwa-hiwalay pa..majority nasa Love section (mga naunang mag-enrol..mga excited kaya nasa Love..hehe..chos!) mga nagkakakitaan lang pero hindi pa alam that time na magkakasama sama din pala kami sa isang grupo..may nagkatakutan pa nga  eh..► Blind item: sinitch itich na taga Hope section na pag nakikita ni taga Love ay napapaatras na..di na lang siya lalabas ng room pag nasa labas si glimpse na taga Hope! :p (so ayan may ganyang factor pa noon pero wag ka bilog ang mundo..yung natatakot siya palang mas dapat katakutan,,.haha)

itsura pa namin noon mga Nene  pa lang tipong "namumukadkad" pa lang.. natural pa ang kulay ng Lips, polbo pa lang ang kilala (pero choosy sa polbo ha usually ang gusto nun yung johnson & johnson), di pa gaanong masipag magsuklay, walang care pa sa mga fugure nun..pro nagbago yan eh kasi pupunta na ng pavilion para bumili nung roll on na lip gloss..(yan oh fave ng Glimpse yan eh kahit na pasasabihan na parang "naputakte" care nila diba?!!)  laktaw tayo into Present..ibang iba na..papulahan na ng Lips..(gustong kabugin ang lips ni Angelina Jolie kahit sa kulay man lang..) gusto pa Revlon (susyal!), nakilala na ang press powder, foundation, liquid foundation, concealer (ehem! di pala lahat eh knowing si concealer..hehe), Rossy cheeks na ang mga bruha, nagkikintaban ang hair (salon man yan o shampoo lang), feeling foreigner na sa kulay ng mga mata..conscious na sa figure (pero hilig pa din naman sa foodtrip).  pero nagbago man kami sa physical aspect..madami pa din ang hindi nagbago tungkol samen :)

so balik tayo sa nakaraan.. First year highschool diyan pa lang naguumpisa yung hahanapin mo saan ka magiging "IN" sang grupo ka nababagay sa studious ba? sa mga fashionista, sa mga siga ba, sa mga grupo mga mahilig sa sports..sa wala lang..o Alone ka na lang muna, pede din naman maki-join ka sa lahat para mafeel ko kung saan ka mas Belong..oh db trial and error lang yan. At dyan din nag umpisa ang Glimpse..watak watak pa..kung sino ang katabi sa upuan or kung sino ang kalapit yun muna ang grupo-grupo..or kung sino ang madalas na nakakasabay pag-uwian.. hanggang sa pag biglang nagbrown-out (uso pa yun nung 1st year eh biglang magbbrown-out..pabor naman samen) magkakaroon na ng "circle of friends"  dumadayo na sa ibang pwesto para makipagchikahan..and then isang factor din kung bakit nabuo ang Glimpse dahil meron kahit nasa magka-ibang section magkakilala kasi mag friendship na nung elementary pa lang..sa scouting din (i think..sabi senyo memory gap ako eh..hehe..paki correct na lang ha) 
so ano pa bang kwento ng Glimpse nung first year?! may nagkatampuhan na din noon eh kaya napasama sa ibang grupo..but the good thing is nagkasama ulit.. (awww  ang sweet) tapos meron pang laging absent sa klase "manong, paangkas naman hanggang sa labas lang ng school"..malas nahuli ng teacher nabuko tuloy ang technique sa pagka-cut ng klase..tsk tsk..(walang connect sa kwento ng Glimpse..ok lang yang maka-Sinith Itich lang ulit..haha)  

June 2001..

pasukan na naman 2nd year na kami.section Fatima karamihan..may napahiwalay meron din naman nakasama na ng majority na mga Glimpse (madali lang naman mangapitbahay eh kaya ok lang yun at saka nagkakasabay sabay naman din kami umuwi kung minsan☺ ) karamihan samin noon ng Aspirant (sa scouting yun, kahit yung iba samen napilitan lang naman ☺) so ayun during scouting days sama sama sa ligaya, sa hanay, sa parusa, sa di na mabilang na pumpings, sa pagbili ng aspirant pin, sa pag takas,,teka teka hindi lang ang mga Aspirants ang bida sa part na toh bigyan din natin ng exposure yung mga hindi member ng scouting..Enumeration naman ng mga naging Roles nila:
1st: sila ang mga taga sulsol na “wag na kayong humanay. Takas na lang kayo ”
2nd: after mapilit na wag ng humanay sila naman ngayon ang talaga “ok clear clear” ayan!!Mismo sila ang look out, taga check ng daan, ng paligid, kung meron bang mga model scouts na pakalat kalat na pwedeng makikita sa operation este pagtakas pala. 
3rd: sila din ang katulong ng mga Takas na Aspirants sa pagiisip kung ano ang magiging “Valid” reason once na tanungin na kung bakit hindi umatend ng hanay.
4th: Sila din ang taga tago sa mga Aspirants during lunch break or breaktime. 
5th: Habang ang mga Aspirants ay hirap na hirap sa pagbaba ng hagdan dahil masasakit ang binti..OOpppps!! mali ang iniisip niyo hindi nila inaaalayan noh..andun lang sila sa baba ng hangan..matyagang nag-aantay ☺ atleast di nang-iwan diba.. yun nanamn ang importante dun :p

and then speaking of pag takas ng Hanay meron din mga di malilimutan na mga kaganap noon, isa na doon yung hindi humanay upang mag-aral!! Tama!! Valid reason naman yun diba?!! Or depende sa kung ano ang pinag-aaralan?!! I-access nyo na lang..eto ang topic: “Ano ang itsura ng napkin before and after” may kasamang drawing drawing pa yan sa board ☺ hmmm at sino naman ang makakalimot sa takbuhan na eksena nung one time na tumakas..nakarating na ng ibang bansa ang isang butterfly ng Glimpse pero yang eksena na yan hinding hindi nalilimutan..bakit? eh para lang naman eksena sa mga TV News yung may nag “suplong” ..eto ang mga alagad ng batas kasama ang nagsuplong..yung nagsuplong kitang kita ng mga kriminal na tinuturo sila..edi sympre ano pa nga bang unang gagawin kundi tumakbo..parang mga dealer ng drugs na na-raid ang eksena..at end naman kalaboso pa din ang bagsak.. tsk tsk kawawang mga tumakas.. (pero dahil wala namang witness protection.,.*evil laugh* hahahahaha.. lintik lang ang walang ganti..mata niya lang ang walang latay..jogging pants nya bitin..ay anu ba yan..sinong nag type nyan?!!! Lagot!! ) Peace yow!!


Teka Teka sinitch itich muna ulit.. (pasulpot sulpot lang pag naisipan..☺) Welcome Training Scene: “kala nyo si Serio toh noh?!! (habang sinusuklay suklay ang “balahibo” sa kanyang matipunong dibdib..amf! wiwit!) Mali kayo si tuuuuutoooot toh!!

And due to popular demand i-sinith itich na din daw toh: (oh ayan ha eto na!! ☺) 

“Sino itong isang butterfly (pinangatawanan na talaga ang “butterfly”..pauso kasi na “Beautiful Butterflies eh” ☺) na during lunch time tatanong mo lang naman kung anong ulam nya..may intension man o wala na manghingi eh masisindak ka na sa kilay niyang magkasalubong at kunot ang noo habang binibitiwan ang mga katagang “Konti nga lang eh!!!” o kaya “Di masarap!!” (tsk tsk kawawa naman si mother niya na gumising sa maaga upang ipagluto siya ng ulam tapos sasabihin lang pala na di masarap ..pero pede din naman na Uber sarap pala yung ulam nya na yun ayaw lang ipamigay ☺ kayo na ang humusga ☺ ) Clue?!! Kelangan pa ba yun?!! Wag na ayaw!!! Im scared kaya!!


Second year..landline pa lang ang uso non magtatawagan pag walang pasok..magkausap sa phone habang nanonood ng music videos, MTV pa lang ata noon eh wala pa yung MYX, or never ending chikahan. Then ayan na natututo ng mag cellular phone( cellphone in short..hahaha) ang Glimpse..may antenna pa nga eh..hehe..palakihan pa ng phone noon..pavonggahan pa ng composed ringtone, ng logo, ng screensaver,.acetate, iba’t ibang color ng backlight..well di yan ang topic..haha..So ayun nung natututo ng cellphone, sapilitan pa mag text minsan eh pano ba naman load 300 pa lang ang pinamababa noon eh, di pa uso si eload, auto-load, pasaload,,lalong lalo na ang favorite ngayun yung unlimited offer.. ☺ at magkakatampuhan pa kapag ang load ay piso na lang papatagalin yan ng ilang araw para after how many days makakapagsend yan sa madami basta dapat mabilisang send to many..ang susunod na eksena usually yan kinabukasan eh. Yung isa na mapalad na natanggap ng text ibubulgar pa, kaya magrereact din yung iba na sila din nakareceive  ..eh atleast sila happy happy kasi may dagdag na kowts o kaya text graphics sa fone nila..eh ang masaklap may magrereact..hala lagot tampo kasi siya daw bakit wala??? (big deal pa noon ang kahit isang text or isang kowts man lang.feeling special ka na pag tinext ka..PISO din yun eh..tipong parang mas madali pang magbigay ng piso na cash kesa magtext ☺) Edi etong si Sender mega explain na keso di na umabot eh..ngcheck op na pag dating sau..blah blah..blah..(related sa Glimpse yang pinagsasabi ko na yan..kasi isang Lumot ng Glimpse ang tanda kong nagtampo dun kay sender na later on naka-away nya..pero di naman ata dahil dun yung pinag-awayan nila..pero bati na sila ngayon..☺)


Well eto di naman sa pagmamalaki eh nasa Glimpse din naman ang nakakakuha ng highest score sa exams..kung di man highest eh mataas ang score..pano ba naman nasa school pa lang kukuha na ng sheet of paper, tutupiin sa gitna at ayun na gagawa na ng reviewer, pagpupuyatang aralin sa bahay (singit lang,..Trivia naman kunwari.. ☺ isa sa member ng Glimpse eh kapang nagpupuyat eh sinasamahan din siya ng mga Tiktik/manananggal sa pagpupuyat,..), kinabukasan pag pasok sa school titipon tipon magtatanungan based sa pinagaralan, tapos pupunta ng canteen dala dala pa din ang reviewer, tapos eto ang matindi pano hindi papasa sa exam eh nagsunong na nga ng kilay sa pag-aaral eh ka-join force pa si Papa Jesus..why oh why ko nasabi yun hindi lang dahil nagpe-pray kundi gawin ba naman library or review center ang Prayer room.. ☺ mas madaming beses pa nga ata kaming nagpunta sa prayer room rather than sa library para mag-aral.. kung hindi man dyan sa tapat ng chapel or sa umbrella tree or sa field andyan ang Glimpse nag-aaral, tumatambay, kumakain, ng iingay, natutulog, etc..

Tumungo naman tayo sa kaechosan ng Glimpse (na lately lang namin nalaman at narealize na May ganun pala noon..) gaya nga ng nasabi ko hindi lang basta basta nabuo ang Glimpse..meron din nangyari na “sulutan” ng kaibigan.. may dalawang grupo.. “nagkaka-agawan” daw pero unintentional naman yun..siguro may “selos” factor lang kasi si friend na kasa-kasama noong 1st year napapasama na kay ganto, bihira na nilang magkasama tuloy, may samaan na pala ng loob ng dahil doon..pero Look what happened diba yun pa pala ang “mahigawang tali” (naks!) na magbubuklod sa aming lahat... ☺ (pero hindi ibig sabihin nyan tapos na ang mga tampuhan, selosan..etc..madami pa kami nyan..lalo na nung 3rd and 4th year na)


♫♪♫ You're the best friend that I've found..I know you can't stay..A part of you will never ever go away..Your heart will stay... ♫♪♫

yan yung pinabaon naming na song para sa butterfly na lumipad ng London (ewan ko ba kung dapat akong matawa sa kakabutterfly ko..hahaha) so ayun kung kelan almost 95% ng nabubuo ang Glimpse saka naman may ganun..but still kahit nag ibang country na siya part pa din naman siya ng barkada

So 3rd year highschool na tayo..ang haba na noh?!! Fast forward na natin..thanks sa pa-project ng adviser naming during field trip dito na nabinyagan ang barkada ng pangalang “GLIMPSE” (nagrereklamo na daw kasi yung isa na ang tawag sa barkada eh “Grupo ni Ramos” oh diba parang mga sindikato lang..hehe) so ang naka-isip lang naman ng pangalang Glimpse ay yung kinatatampuhan dahil sa panunulot ng kaibigan,,hehe.. So ayan nabuo na ang Glimpse: grupo ng mga magagandang babae (blog namin toh kung gusto niyong kumontra eh gumawa na lang kayo ng blog nyo dun kayo mgreact :p) mga studios. worried pag walang assignment kaya pagdadating sa room unang word na isisigaw “pakopya” but not all the time noh..kami pa!!! aral kung aral kami noh!,,kami din yung group na nakisali sa mga naloloka sa A1, Westlife, Aaron Carter, the Corrs, Backstreet Boys etc.. Mga pa Maria Clara image ☺ tipong pa-crush crush pa lang..simoy dito..simoy dyan..habol dito…sunod kay crush, sulyap sulyap..pasimpleng smile with kilig pag nakasalubong si crush (pero pag pasok ng room dun nagwawala..hehe..) dyan nagmula ang pangalang Glimpse “simpleng sulyap” sa mga crush..sa sagot ng katabi sa exam..joke lang!!! hehe..Kidding aside yan nga yun napaka- lalim ng reason naming noh kung bakit Glimpse ang naging name ng barkada..☺na may logo pa..letter G na malandi tapos may butterfly.. so ano pa ba ang description ng Glimpse..Simple Glimpse..tama kami yung mga simple lang eh walang masyadong arte sa buhay, mahilig sa chikahan, nasa tropa ang large percentage ng nagbabaon ng lunch makatipid lang..hehe..follower ng mga rules (weh di nga?!!hehe) shy type?!! Hmmm..hehe..Maldita in our own way and definition of the words,..(may ganun?!!)..Nasa barkada din naming ang nangunguna at nahuhuli sa line pag “find your height” eh pag weight?!! No comment!! Amf!! :p nasa Glimpse din ata yung girl sa room na may pinakamagandang sulat highschool pa lang lumelevel na sa doctor kahit sa sulat man lang.. hahaha..meron mahilig sa sports, mahilig magsimba, kumanta at sumayaw (isa lang ata), kumakanta ng may kulot kulot ang tono, may talent sa drawing, ahh basta halo halo..hehe..sa personality naman meron, matampuhin, pranka, maldita, friendly, sutil (tipong biglang mangtutulo ng tubig sa ulo), tamang trip, meron mahilig mag CR, meron On-time at meron din late lagi, neutral lang, meron madaldal, meron din naman na “tawa” lang ang contribution sa kwentuhan, mainitin ang ulo, meron din natural na komedyante, meron din korni ☺ meron pala sigaw o malakas ang boses, meron din naman super hina at hinhin ng boses, conservation, eh teka bago magkalimutan ang Glimpse ay mababait PERIOD!! tapos ang usapan!! Hahaha ☺

3rd year naging adventurous ang Glimpse..inuman na!! ☺ kurek!! First time eh..turuan pa kung sino ang bibili sa 711 ng Island Punch..yan pa ang uso nun eh mga tipong pomelo gin, pineapple gin ☺ may malakas uminom may malakas din tumira ng pulutan ☺

Sinith Itich naman tayo ulit..sino itong binansagang “the Destroyer” why oh why?! Hmmm pede din pala siyang tawaging buhawi,,kasi gaya ng buhawi napipinsala ang ano o sino man na madadaanan niya.. either pag nadaanan ka niya madadali ka habang nya habang nagsusulat ka o kaya malalaglag ang mga gamit mo sa desk eh mabait naman sya pupulutin nya yun habang nagsosory KAYA lang habang habang pinupulot nya isa-isa may mga nadadali pa din siya at nalalaglag o nagagalaw kaya at the end tutulungan mo na sya na magpulot at mag ayos ng mga nagalaw niya bago pa mahuli ang lahat.. ☺

So gaya ng nasabi ko 3rd year and 4th year lumalalim na ang friendship..so lumalalim na din ang reason ng tampuhan o away..example: nag-away dahil nagtatalo kung sino ang mas lalim ang dimple.. (ang lalim nyan db!!) ☺ nagtampo dahil sa “one night stand” (sabi senyo conservative ang Glimpse nagiging sensitive sa ganyang usapan ☺)..nagkaaway kasi yung isa cleaner siya ayaw tumulong maglinis, misunderstanding,
♪ Sa kalokohan at sa tuksuhan..Hindi maawat sa isa't-isa
 hanggang sa may magkakapikunan..or yung joke dinibdib..tampo ang resulta.. SELOS yan ang numero unong dahilan ng tampuhan noon, selos kasi napapasama sa ibang barkada, selos kasi mas close na sa iba, selos kasi hindi na siya yung laging nakakasama, selos kasi gusto niya sila ang mag bestfriend, di uso ang nagaaway dahil sa lalaki o boyfriend samen nun eh..ang uso eh away dahil sa “bestfriend” o friend.. meron din nagkatampuhan dahil sa 25cents na nilalagay sa upuan, hmmm ano pa ba ☺ tapos usong uso ang Sulatan,,(sulutan..sulatan) nagamit ang mga natatagong collection ng stationeries, o kaya kahit sa pirasong papel lang , sa note pad, sa tissue kahit anong pede sulatan..pati yugn school diary nga eh..sagutan ng sulat,..yung iba makabagbag damdamin talaga ang topic nung sulat yung iba naman wala lang masabing nagsulatan lang..

Tapos dahil nagkakatampuhan, nagkaroon din ng open forum (di lang sa papel nagkakalabasan ng sama ng loob noh..personalan din) so ayun isang bilog kami sa field..inaabot ng gabi..labasan na ng mga damdamin, ng galit, ng tampo, tapos mauuwi sa kwentuhan, tawanan, yakapan, foodtrip (balot at penoy) haha..tapos ng open forum ayaw tampuhan ulit sulatan ulit open forum ulit..hehehe..

♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫


Madalas ang stambay sa cafeteria field
Isang barkada na kay saya

Laging may hawak-hawak na gitara  lyrics

Konting udyok lamang kakanta na

♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫



Ang Field..Bow!.. hehe.di lang sa mga kadramahan namin naging saksi ang field..maging sa mga kakulitan, sa kaligaligan, sa mga kagaslawan, naejoy din naming ang mahiga sa field,,lalo na kung kapwa Glimpse ang hihigaan mo diba..yes!! tama!! Mag uumpisa sa makahulugang tininginan..tatayo ang isa pasimpleng didikitan ang target biglang dadaganan tapos sisigaw na at magtatawag ng pwersa..saya diba?!! ☺ 

saksi din ang Field sa pagiging naughty: kababaeng tao, dadapa sa field, gagapang ng paunti unti..makapag-usisa lang sa mga nagla-live show..meron pang broadcaster “ayun oh yung kamay nasa toooooooooottt…censored..” “tanggal na yung butones”..susme obvious na obvious ang pangboboso..hahaha ☺ (well di naman namin kasalanan yun sila yung gagawa gawa ng kung ano ano..eh audience lang naman kami..curious lang din..haha ☺)..  


4th year..last year na sa highschool..mga pauso pala..bumili ng bag na pare-pareho sa heartstring..oh ayun may nabiktima may nagkapalit ng bag.. ☺ ah naalala ko uso din nun yung lahat ng ibibigay dapat itatago di lang yung mga sulat,..kundi pati balat ng candy, ng yema, damo, dahon, bulaklak ididikit sa school diary, kasi daw hahanapin after 10years..meron pa nagbaon ng sulat sa may field/batibot (oh sige try nyo hanapin ngayun yun..Goodluck na lang..malamang naunahan na kayo nila Ondoy makuha yun at naidala na sa ibang parte ng mundo☺), sumali din pala sa soccer karamihan Glimpse during intrams..hala sipa lang ng sipa..hehe..kung makakatyempo babalyahin ang kalaban..hehe..(kung ano lang maalala ko eh noh..wala ng flow ang kwento..haha..☺) ng Tagaytay after Christmas Party may dala dalang banig.. ☺ Retreat mga namamaga ang mata naging ganado umiyak eh..JS Prom mga dalaga na ang itsura,,☺,,Graduation mga nagiyakan at kasalanan yun ng Valedictorian na member ng Glimpse..(naks!)\



so ayan ang summary ng Glimpse Highschool days..

Glimpse:this can be subject for revision kung meron kayong gusto ipadagdag or may mali akong nailagay,.. ☺

Readers: any violent reaction dun kayo sa baranggay!! ☺


  

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Soundtrip